Isang barangay sa Pasay City, inalis na sa listahan bilang critical area ng lokal na pamahalaan

Inalis na ng lokal na pamahalaan ng Pasay sa listahan bilang mga critical area ang Barangay 144.

Ito’y matapos na walang maitalang kaso ng COVID-19 sa naturang barangay sa loob ng ilang araw.

Ayon kay Pasay Mayor Emi Calixto Rubiano, ang pagpapatupad ng mahigpit na health at safety protocols, kasama na ang contact tracing at monitoring ng Pasay City Epidemiology Disease Surveillance Unit kung kaya’t natanggal na sa listahan ang Barangay 144 bilang isa sa high-risk areas.


Nabatid na unang nakapagtala ng 47 na kaso ang Barangay 144 kung saan ang lahat ng mga ito ay nakarekober sa sakit at wala nang naitalang kaso pa ng COVID-19.

Sinabi naman ng alkalde na gawin sanang halimbawa ng ibang barangay na nasa critical areas ang ginawa ng mga taga-Barangay 144.

Matatandaan na ang Barangay 144 ay isa sa mga barangay na idineklarang critical zones hanggang August 5, 2020 dahil sa dami ng bilang ng kaso ng COVID-19 pero nagawa nilang mapababa ang bilang ng sakit habang patuloy rin nananawagan ang lokal na pamahalaan na patuloy na mag-ingat upang huwag madapuan ng sakit.

Facebook Comments