Bagamat nakiayon na rin ang mga residente sa Sitio Riverside sa Sonquil, Sta Barbara, Pangasinan dahil sa matataas nipang kabahayan, pagod at sawa na rin umano sila sa pagbabahang nararanasan taon-taon sa kanilang lugar.
Makalipas ang ilang araw na pag-uulan bunsod ng Bagyo at Habagat, abot hanggang baywang na ang baha sa daan nila.
Ayon kay Tatay Elpidio Dela Cruz, taon-taon na raw itong nararanasan at ang ilan sa kanila’y pagkasilang pa lamang ay nadatnan na ang ganoong sitwasyon.
Ang kanilang pamamaraan para makapag labas-masok, ay balsa na gawa sa kawayan.
Bagamat may mga isinagawa ng road constructions sa harapang, bahagi ng sitio ay sa dulong bahagi naman ito naiipon.
Sa ngayon, patuloy na binabantayan ng MDRRMO Sta Barbara ang Sinucalan River na dumadaloy sa nasabing Sitio, kung saan pumalo na ito sa 7.40 meters above sea level. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









