Binabantayan na ng PCG o Philippine Coast Guard ang isang barge na natanggal ang pagkakatali sa SMC Shipping Lighterage Wharf sa Tanza, Navotas City.
Naganap ang insidente kaninang alas-6:00 ng umaga kung saan naputol ang mooring lines ng Barge Karangalan 2 at natangay hanggang sa bahagi ng Pondohan, Tangos North.
Agad rin nahatak ng MTUG Limay 3 ang barge sa ligtas na lugar hanggang sa makapag-angkla.
Pero tinangay naman ng malalaking alon at malalakas na hangin ang barge kaninang alas-9:15 ng umaga sa mababaw na bahagi ng Pondohan, Tanza North.
Pinayuhan ng PCG ang kapitan ng barge na kumuha ng emergency salvage permit para marekober.
Ito na ang ika-anim na maritime incident na nangyari sa katubigan sakop sa lungsod ng Navotas sa kasagsagan ng Bagyong Enteng.