ISANG BARKO, INILIGTAS NG CG SUB STATION APARRI WEST

CAUAYAN CITY – Iniligtas ng Coast Guard Sub Station Aparri West ang pitong pasahero at crew ng barkong MTUG IROQUOIS.

Ayon sa ulat ng Coast Guard, dahil sa malakas na alon na dala ng bagyong Kristine ay sumadasad ang naturang barko sa baybaying bahagi ng Barangay Linao, Aparri, Cagayan.

Kinumpirma naman ni Mr. Nemecio Abique, kapitan ng naturang barko, na nasa maayos at ligtas na kalagayan ang mga pasahero at crew members.


Katuwang ng CG Sub Station Aparri West ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa naturang rescue operation.

Patuloy namang naka-alerto ang mga personnel ng Coast Guard Sub Station Aparri West sa pangangasiwa ng naturang barko.

Facebook Comments