Isang bata, lumambitin sa kable para makatakas sa ilang tauhan ng Manila Department of Social Welfare sa Taft Avenue

Pinagkaguluhan ang isang batang lalaki sa may bahagi ng sa Taft Avenue kanto ng U.N. Avenue.

Ito’y matapos siyang lumambitin at gumapang sa mga kable ng telepono at cable TV matapos na tumalon mula sa hagdanan ng UN Avenue LRT-1 Station.

Nabatid na tinatangka ng bata na umiwas sa mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) na sumita sa kaniya.


Sinasabing ang hindi na pinangalang bata ay isa sa mga namamalimos sa lugar at isa rin siya sa grupo ng mga sumisinghot ng solvent.

Mabilis namang nailigtas ang bata ng mga rumespondeng tauhan ng Manila Police District-SWAT kung saan pumalag pa ito habang tinatangkang ibaba mula sa itaas na ngayon ay hawak na ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).

Facebook Comments