Cebu City – Sugatan ang isang bata matapos saksakin ng kaniyang sariling ama na naingayan daw sa kaniya sa Barangay Inayawan, Cebu City.
Ayon sa 10-anyos na biktima, humingi siya ng pagkain sa kaniyang ama pero naingayan at nairita ito sa kaniya hanggang saksakin siya nito.
Nagtamo ng sugat sa dibdib ang biktima habang hawak na ng mga pulis ang suspek pero itinanggi nito ang paratang.
Nasa mabuting kalagayan na ang bata na nakiusap pa umano sa mga pulis na huwag nang ikulong ang kanyang ama.
Facebook Comments