Isang batalyong marines, ipinakalat na sa Sulu

Ipinakalat na ng Philippine Marines ang isang batalyong tauhan nito sa  sulu matapos ang isinagawang send-off ceremony sa pangunguna nina Navy Flag Office In Command Vice Admiral Robert Empedrad at Marine Corps Commandant Major General Alvin Parreño sa South Harbor sa Maynila noong biyernes.

 

Sa talumpati ni Empedrad na pinaalala niya sa 8th marine battalion na mayroong tiwala sa kanila na mabigyan ng proteksyon ang bansa laban sa banda ng terrorismo at ipagpatuloy ang pagsisilbi sa Panginoon, bansa at ang kapwa pilipino.

 

Papalitan ng ipinadalang batalyong marines ang Marine Battalion Landing Team (MBLT) 3,  na siya namang ipapalit sa MBLT 12 sa Palawan.


 

Sa oras na dumating ang MBLT 12 sa Maynila ay isasailalim sila sa pagsasanay.

Facebook Comments