Isang batang babae sa India, lumuluha ng 35 hanggang 40 na maliliit na bulak

127

India – Isang labing isang taong gulang na batang babae ang pinagkakaguluhan dahil sa kakaibang bagay na lumalabas sa kaniyang mata.

Ang batang si Manasi na dalawang linggo nang inoobserbahan dahil sa mga lumalabas na maliliit na puting bagay sa mga mata nito na parang bulak.

Nasa apatnapung piraso na ang nakukuha mula sa mga mata ni Manasi kada-araw na siya naman ipinagtatataka ng kaniyang ama na si Gendlal Kevat.

Maging ang mga doctor at mga ophthalmologist ay hindi din maipaliwanag kung ano ang nangyayari sa dalagita kung saan hinala naman ng mga kababayan ni Manasi na sinasapian ito ng masamang espiritu.

Facebook Comments