Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagkamatay ng isang bata dahil sa Meningococcemia.
Ayon sa DOH-Davao, nagpositibo sa naturang sakit ang isang pasyente na na-admit sa isang ospital sa Davao City.
Mahigpit na rin ang monitoring sa mga taong nagkaroon ng close physical contact sa namatay na pasyente.
Binigyan na rin ng Post-Exposure Prophylaxis sa mga nagkaroon ng close contact sa pasyente, kabilang ang kanyang pamilya, mga kaklase, guro at emergency room staff.
Inaalam na rin ang mga lugar na pinuntahan nito.
Tiniyak na rin ng DOH na kontrolado nila ang sitwasyon.
Ang Meningococcemia ay dulot ng bacteria na “Neisseria Meningitidis” kung saan ang mga simtomas ay pananakit ng ulo, lagnat, pagkahilo, pagsusuka, at pananakit ng leeg.
Facebook Comments