Isang bayan sa Davao Oriental, niyanig ng 3.4 magnitude na lindol

Niyanig ng 3.4 magnitude na lindol ang bayan ng Governor Generoso ng lalawigan ng Davao Oriental ngayong umaga.

Batay sa Tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, nangyari ang pagyanig sa silangang bahagi ng Governor Generoso pasado alas-8:55 ngayong umaga.

Tectonic ang pinagmulan ng nasabing lindol ay may lalim ito na 10 kilometers.


Walang naitalang aftershocks ang naramdamang mga intensity sa mga kalapit na lugar na dulot ng pagyanig.

Wala ring naitlang may nasaktan at nasirang mga ari-arian ang nasabing lindol.

Hindi naman naglabas ng tsunami alert ang PHIVOLCS sa mga baybayin ng nasabing lalawigan.

Facebook Comments