Isang bayan sa lalawigan ng Surigao Del Sur, niyanig ng 4.5 magnitude na lindol

Naramdaman ang 4.5 na magnitude na lindol sa bayan ng Bayabas, lalawigan ng Surigao Del Sur pasado alas-6:19 ngayong umaga.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) namataan ang episentro ng lindol sa layong 45 kilometers ng naturang bayan.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim itong 19 kilometers.


Ayon sa PHIVOLCS, ang nasabing lindol ay isang aftershock mula sa 5.7 magnitude na lindol na nangyari noong Spetember 21, 2020 sa naturang bayan.

Wala namang naitalang nasaktan at nasirang mga ari-arian na dulot ng pagyanig.

Hindi rin naglabas ang PHIVOLCS ng tsunami alert at hindi pa rin tiyak kung may susunod pa bang aftershock o mga pagyanig pagkatapos nito.

Facebook Comments