Maikukonsidera na ang bayan ng Buldon sa Maguindanao bilang ‘rido free’ municipality.
Sa ginanap kahapon na mass rido settlement kung saan 11 magkakaaway na pamilya ang pinagkasundo, sinabi ni Maguindanao Police Provincial Dir. Sr. Supt. Agustine Tello, isa na ngayong ‘rifo free’ ang bayan.
Sa loob ng 3 taon, abot na sa 40 pamilya na may alitan ang napagkasundo sa bayan sa pamamagitan ng inisyatibo ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Abolais Manalao sa tulong ng 37th Infantry Battalion ng Philippine Army at ng Philippine National Police.
Bunsod nito, umaasa si Sr. Supt. Tello na magtutuloy-tuloy na ang kapayapaang tinatamasa ng mamamayan ng Buldon at mawakasan na ang pagdanak ng dugo sa lugar.
Isa ang bayan ng Buldon sa lalawigan ng Maguindanao na may pinakamataas na insidente ng ‘rido’ o family feuds, land conflict ang kadalasang ugat dahilan.
Nang maupo sa pwesto si Mayor Manalao ay pinagsikapan n’ya na masolusyunan ang problema na nakakaapekto sa pamumuhay ng kanyang kinasasakupan.
Isinasagawa ang “mass rido settlement” kung saan nagtatagpo ang mga pamilyang involved, nag-uusap ng maayos, nireresolba sa mapayapang paraan ang problema, nariyan din ang livelihood programs at ang ‘Balik Baril’ program, dito ay hinihikayat ang bawat pamilyang may alitan na isuko ang kani-kanilang mga armas kapalit ng farm animals.
Sa kabilang banda, pinagsisikapan ng ARMM government na matugunan ang suliranin sa land conflicts sa rehiyon, isa ang Buldon sa mga recipient ng ” ‘Free Land Surveys and Titling’ Project” sa ilalim ng ARMM’s Humanitarian Development and Assistance Program (HDAP) na ipinatutupad ng Department of Environment and Natural Resources-ARMM sa pamumuno ni Sec. Kahal Kedtag.
(DAISY MANGOD-REMOGAT)
Isang bayan sa Maguindanao, ‘rido free’ municipality na!
Facebook Comments