Isang bayan sa Masbate, niyaning ng 3.5 magnitude na lindol

71

Niyanig ng 3.5 magnitude na lindol ang bayan ng Cataingan, lalawigan ng Masbate pasado alas-10:17 ngayong umaga.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa 110 kilometers ng Cataingan ang episentro ng lindol.


May lalim itong 20 kilometers at tectonic ang pinagmulan nito.

Wala naman naitalang mga intensity na dulot ng pagyanig.

Pero ayon sa PHIVOLCS, ang nasabing pagyanig ay isang aftershock mula sa 6.6 magnitude na lindol na nangyari noong pang August 18, 2020.

Wala ring nai-ulat na may nasakatan o nasirang mga ari-arian nang dahil sa naturang lindol.




Facebook Comments