Isang bayan sa Sarangani, idineklarang drug free

Sarangani, Philippines – Ideneklara nang drug free ang bayan ng Malungon sa Sarangani Province.

Sinabi ni PDEA 12 Regional Director Gil Cesario Castro kasabay ng isinagawang Anti-Illegal Drug Summit sa bayan ng Malungon kahapon na dumaan sa masusing proseso ang pagdeklara ng drug free sa Malungon.

Sinabi naman ni Malungon Mayor Theresa Constantino, na malaking tulong ang ginawang operasyon ng PDEA-12 at PNP pati na rin ang tulong ng kumunidad na naging sanhi ng pagsawata sa illegal drugs sa bayan.


Siniguro naman ng alkalde na kahit nadiklara nang drug fee ang Malungon, magpapatuloy parin ang kanilang monitoring para maiwasang muling makapasok ang mga sangkot sa illegal drug trade.
DZXL558

Facebook Comments