Isang biker, patay matapos mahagip ng trak sa Tondo

Manila, Philippines – Patay ang isang 45-anyos na biker matapos na masagi ng isang trailer truck habang nagbibisekleta sa kahabaan ng road 10, Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Ernie Aguilar na napag-alamang residente ng no. 84 blue street habang ang driver na nakaaksidente sa biktima ay kinilala naman si Levegin Del Prado.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ge­rald Gonzales ng Manila Police District (MPD)-vehicle traffic investigation section, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng road 10 southward direction nang masagi ng dri­ver ng truck ang biktima.


Naisugod pa sa ospital ang bkitima ngunit idineklara rin itong dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital.

Sa ngayon, hawak pa ng MPD ang driver ng trailer truck at inaantay na lang posibleng kaso na isampa ng pamilya ng biktima sa naturang driver.
DZXL558

Facebook Comments