MANILA – Plano ng administrasyong Duterte na ilunsad ngayong buwan ang isang bilyong lending program na layung palitan ang pautang na 5-6.Ayon kay Justice Secretary Vitalliano Aguirre – ginagawan na ng paraan ng pamahalaan ang problema sa 5-6 kung saan pinapatungan ito ng 20-porsyentong tubo ang pautang sa loob ng maiksing panahon.Dahil dito – mas nababaon sa utang ang mga mahihirap na Pilipino.Sinabi pa ng kalihim, na malinaw sa batas ang 5-6 at maaring arestuhin ang mga ilegal na nagpapautang kahit walang warrant of arrest.Maari din anyang ipatupad ang tinatawag na citizen’s arrest sa mga taong nagpapautang ng 5-6.Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang ipagbawal sa bansa ang pagpapautang ng 5-6 ng mga indian national na naglalagay ng mas mataas na interes.
Isang Bilyong Lending Program – Ilulunsad Ng Pamahalaan Ngayong Buwan, Kapalit Ng Pautang Na 5-6
Facebook Comments