Isang bilyong pisong buwis, hinahabol ng BIR sa siyam na negosyante

571

Aabot sa isang bilyong pisong buwis ang hinahanol ng Bureau of Internal Revenue-Makati mula sa siyam na delinquent taxpayers.

Ang naturang mga negosyante ay kinasuhan ng BIR sa DOJ ng tax evasion.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Ramon Cojuangco Jr. , Alejandro Tengco, Mario Locsin ,Mario Diño ng Auto Sport 24 Corp. ,Farid Nasser, Pascual Pastor, Roberto Artadi ng Crown Realty Company, Rizalyn Aligante at Jennilyn Lapuz.

Ayon sa BIR, ilang beses na nilang pinadalhan ng notice ang respondents subalit bigo ang mga ito na tumalima sa kanilang obligasyon.

Facebook Comments