Sisimulan na ngayong lingo ng national government ang pagbabayad sa isang bilyong utang ng PhilHealth sa Philippine Red Cross.
Ito ang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año para maibalik na ang serbisyo ng PRC sa gobyerno at maituloy na ang COVID-19 testing para sa mga returning Filipinos.
Ayon kay Año, malaking tulong ang Red Cross dahil halos 80 percent ng requirements ng pamahalaan ang natutugunan nito.
Ang pahayag ng kalihim ay matapos na sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon na hahanap ang gobyerno ng pera para mabayaran ng PhilHealth ang utang nito sa Non-Government Organization.
Nabatid na itinigil ng PRC ang libreng COVID-19 tests sa mga Pilipino dahil di pa nakakabayad ang PhilHealth sa mga nagamit nila sa testing.