Isang Binata, Arestado sa kasong Panggagahasa!

Ramon, Isabela – Timbog ang isang binata matapos isagawa ng mga otoridad ang manhunt operation dakong alas sais ng hapon, Pebrero 19, 2019 sa Brgy. Raniag, Ramon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang nadakip na si Roman Labuanan Toquero, trentay uno anyos, walang asawa, isang magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Inaresto ng mga kasapi ng PNP Diadi katuwang ng PNP Ramon si Toquero sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Ester L. Piscoso Flor ng RTC Branch 21, Santiago City dahil sa kasong panggagahasa.


Samantala, nasa himpilan na ng PNP Diadi ang akusado para sa kaukulang disposisyon bago dalhin sa court of origin nito habang walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments