Isang Binata, Huli sa Kasong Direct Assault!

Gamu, Isabela – Arestado ang isang binata matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito pasado alas onse kaninang tanghali sa Brgy. Lenzon, Gamu, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Sainrox Valdez Macam, bente anyos, binata, at residente ng naturang lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Gamu si Macam sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Angerico B. Ramirez ng 11 MCTC, Gamu-Burgos, Gamu, Isabela dahil sa kasong Direct Assault.


Nasa himpilan na ng pulis ang akusado at may inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan na nagkakahalaga sa tatlumpu’t anim na libong piso (P36,000.00).

Facebook Comments