Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng isang binata hindi lamang kasong Paglabag sa PD 1866 o pag-iingat ng ilegal na baril, Direct Assault upon an agent of a Person in Authority kundi mayroon din itong kasong kahaharapin na may kinalaman sa ilegal na droga.
Si John Paul Macabenta ay akusado sa paglabag sa PD 1866 o Illegal Possesion of Firearms matapos na arestuhin ng magpalabas ng dalawang Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Mary Josephine Lazaro, Presiding Judge ng RTC Br. 74, Antipolo City sa kasong paglabag sa “PD 1866” noong February 20, 2017 at “Direct Assault upon an agent of a Person in Authority” ni Hon. Wilfredo Timola, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court ng Tay-Tay, Rizal noong June 7, 2019.
Pero hindi natagpuan ang akusado sa kanilang bahay para isilbi ang dalawang Warrant of Arrest nang papaalis na ang mga arresting team sa lugar isang concern citizen ang nagbigay ng impormasyon na si Macabenta ay nakakulong sa Angono Municipal Police Station dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.
Agad nakipag-ugnayan ang mga operatiba ng Antipolo PNP sa Angono Municipal Police Station para madala si John Paul Macabenta sa kanilang istasyon dahil sa patung-patong na kasong kinakaharap nito.