Isang Binata sa Echague, Isabela, Patay matapos magbigti!

Echague, Isabela – Patay ang isang binata matapos magbigti sa sariling kwarto dahil sa depresyon pasado ala una ng hapon sa Brgy. Sta. Monica, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Junnie Manaol Viba, bente sais anyos, walang asawa, manggagawa at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nakatanggap ng ulat ang himpilan ng PNP Echague mula sa isang concerned citizen sa di’umanoy pagpapakamatay ni Viba sa sarili nitong kwarto.


Natagpuan ang biktima sa sariling kwarto nito na nakabitin sa kahoy gamit ang nylon na lubid na nasa estado ng depresyon at ayon pa sa kanyang ina, gustong-gusto ng kanyang anak na mag-isa sa kanilang bahay.

Dinala pa sa pinakamalapit na pagamutan si Viba ngunit idineklara din na dead on arrival.

Sa pagresponde ng mga otoridad sa pinangyarihan ng insidente ay narekober sa kwarto ng biktima ang ginamit na lubid at suicide note.

Facebook Comments