Isang Binata, Sugatan Matapos Tagain sa Echague, Isabela!

*Echague, Isabela- *Sugatan ang isang binata matapos tagain ng isang lalaki bandang 12:50 ng hapon sa Brgy. Babaran, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Elmar Brandia, 29 anyos, residente ng Brgy. 9, Isabela, Negros Occidental habang ang suspek ay si Moreto Zamora, 44 anyos, binate, residente naman ng Brgy. Romerang, Isabela, Negros Occidental.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, habang nananghalian sa loob ng bunkhouse ang biktima ay bigla na lamang dumating ang suspek na may dalang itak at basta na lamang itinaga sa biktima.


Nakatakbo ang biktima at humingi ng tulong kay Brgy. Kagawad Jimmy Pablo kasama ang dalawang Brgy. Tanod na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Dinala naman sa pagamutan ang biktima para sa kanyang karampatang lunas matapos magtamo ng taga sa kaliwang tainga at balikat.

Nasa kustodiya na ng PNP Echague ang suspek at itak para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments