Isang binatang nagwala, nahulihan ng baril sa Muntinlupa City

Kalaboso ang isang binata matapos na magwala at mahulihan ng baril sa Molina St., Purok 5, Brgy. Alabang, Muntinlupa City.

Kinilala ang suspek na si Ryan Calinog, 19 anyos, residente ng 170 Molino St., Purok 5, Brgy. Alabang, Muntinlupa City.

Ayon kay Barangay Police Gilbert Arevalo, habang sila ay nagsasagawa ng pagpapatrolya kaninang alas-3:30 ng madaling araw, mayroong tumawag sa kanila na may isang binata na nagwawala at may bitbit na baril kaya’t agad na pinuntahan nila ang lugar kung saan nakuhanan ng kalibre 38 na baril ang suspek.
Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o Qualified Unlawful Possession of Small Firearm ang naturang binata sa tanggapan ng Muntinlupa City Prosecutor.


Facebook Comments