Isang botante sa GenSan patay dahil sa hypertension

88

General Santos City— Patay ang isang botante dito sa lungsod ng General Santos matapos atakehin ng hypertention habang nasa polling center ng Balite Elementary School kaninang pasado alas 7 ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Osias Camilo Toralba, 77 years old na residenteng apitong st. Balite,. Brgy. Lagao, General Santos City.

Ayon sa report ng pulisya habang naghihintay ang biktima na makapasok sa kanyang polling precinct ay nawalan ito ng malay na-agad isinugod sa pinakamalpit na hospital ngunit dineklarang dead on arrival.


Panawagan ngayon ng otoridad sa lahat ng botante na kung masama ang pakiramdam ay mas mabuting magpahinga nalang muna at huwag pilitin ang katawan o hindi kaya ay bumuto mamayang hagpon dahil hanggang alas 7 pa naman ng gabi ang botoasyon ngayong national and local election.

Facebook Comments