Isang brand ng suka, ipina-pull out sa Rustans Supermarket

Pinababawi na ng pamunuan ng Rustans Supermarkets ang house brand nilang Surebuy Cane Vinegar.

Ito ay matapos tukuyin ng Food and Drug Administration (FDA) na isa ang nasabing brand ng suka na may synthetic chemical na acetic acid.

Kasabay nito, tiniyak naman ng Tentay Food Sauces Incorporated na gumagawa ng Tentay Vinegar na makikipag-ugnayan sila sa FDA para klaruhin ang isyu.


Facebook Comments