Isang Brgy Tanod na High Value Drug Target sa Tumauini, Isabela, Timbog sa Buy Bust Operation!

*Tumauini, Isabela-* Arestado ang isang brgy Tanod matapos na matiklo sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad pasado alas nuebe kaninang umaga sa Brgy. Lingaling, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Cornelio Cureg Agustin, dalawampu’t limang taong gulang, binata, isang HVT at residente ng brgy District 1, Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga otoridad si Agustin matapos nitong bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang police poseur buyer sa halagang limang daang piso.


Sa ngayon ay inihahanda na ng kapulisan ang kasong kakaharapin ni Agustin na Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments