Isang buwan na pagpapaliban sa EDSA rehab, sapat na para ma-i-evaluate ang proyekto ayon sa isang senador

Naniniwala si Senate President Chiz Escudero na sapat na ang isang buwan para ma-evaluate ng gobyerno ang kahandaan ng EDSA rehabilitation project.

Ayon kay Escudero, tama lamang ang hakbang ni Pangulong Bongbong Marcos na ipagpaliban ang EDSA rehab dahil kulang pa sa pagpaplano ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa proyektong ito.

Natatagalan din ang mambabatas sa dalawa o tatlong taon na pagsasaayos ng EDSA at sa tagal ng panahon ay wala man lamang aniyang naihandang alternate routes ang ahensya na tatawid sa Pasig River kapag sinimulan na ang pagkumpuni sa Guadalupe bridge.

Kung tutuusin, overdue na ang pagsasaayos sa Guadalupe bridge kaya nagtataka ang senador na wala man lamang plano at paghahanda rito ang DPWH.

Sapat na aniya ang isang buwan para masuri ang EDSA rehab lalo na kung itutuloy pa o hindi at ano pa ang mga kailangang gawin bago ituloy ang proyekto.

Facebook Comments