Isang buwan na suspensyon sa Uber, inalis na ng LTFRB

Manila, Philippines – Inalis na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang buwan nitong suspensyon sa Uber.

Ito ay matapos na isang bagsakang nagbayad ang Uber ng P190-million na multa sa ahensya.

Alas singko ng hapon kahapon nang magbalik-kalsada ang Uber.


Umaasa naman si LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada na matututo na sila.

Ang binayarang multa ay kinompyut ng LTFRB mula sa 10 milyong pisong kita ng Uber kada araw na minultiply sa natitirang 19 na araw sa suspensyon nila.

Ayon kay Lizada, mapupunta sa national treasury ang pera.

Bukas, magkakaroon ng technical working group ang LTFRB kasama ang Uber at Grab para pag-usapan ang mga magiging bagong polisiya sa mga Transport Network Company.

Facebook Comments