Isang buwang moratorium sa pagbabayad ng amortization at calamity loan para sa naapektuhan ng masamang panahon, inanunsyo ng DSHUD

Inanunsyo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na mayroong isang buwang moratorium sa pagbabayad ng amortization at calamity loan para sa mga benepisyaryong apektado ng malawakang pagbaha at masamang panahon.

Sa isang statement, sinabi ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling na ito ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan ang mga biktima ng Bagyong Crising at patuloy na pag-ulan at baha na dala ng Habagat, hanggang sa sila ay makabangon.

Ang Social Housing Finance Corporation (SHFC), National Housing Authority (NHA), at National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) ay nagpatutupad ng moratorium na tatagal ng isang buwan.

Habang ang Pag-IBIG Fund, pinagana na ang Calamity Loan Program sa lahat ng kanilang sangay sa buong bansa.

Kabilang din dito ang insurance claims, para sa kasalukuyang Pag-IBIG housing loan borrowers na ang mga ari-arian ay napinsala.

Sa ilalim nito, ang mga kwalipikadong miyembro sa apektadong lugar ay maaaring manghiram ng 90% ng kanilang Pag-IBIG Fund savings.

Facebook Comments