Friday, January 16, 2026

Isang C-130 plane ng PAF, bumagsak sa Patikul, Sulu

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nag-crash ang isang eroplano ng Philippine Air Force sa Patikul, Sulu.

Ayon kay AFP Chief General Cirilito Sobejana, ang nasabing C130 transport aircraft ay napa-ulat na nag-crash kaninang alas-11:30 ng umaga matapos lumagpas sa runway ng Jolo airport habang ito ay lumalapag.

Sinabi pa ng opisyal na dumiretso ito hanggang sa Brgy. Bangkal sa bayan ng Patikul.

Sakay ng nasabing eroplano ang ilang military personnel na galing sa Cagayan de Oro.

Hindi pa naman makumpirma kung ilan ang sakay ng naturang eroplano pero sa ngayon, nasa 15 na ang nasagip sa nangyaring insidente na patuloy na ginagamot sa isang militaty hospital sa Busbus, Sulu.

Kasalukuyan na rin nagtungo sa pinangyarihan ng insidente si Sulu Military Commander Maj. Gen. William Gonzales para pangunahan ang search and rescue operations habang nagtulong-tulong ang ilang mga bumbero para agad na maapula ang apoy.

Facebook Comments