Isa na namang kababayan nating Pangasinense ang magpapakita ng galing, talino, talento, at husay sa larangan ng national Pageant.
Kakatawanin ni Ms. Trisha Anne Maningding mula Minien West Sta. Barbara ang Lalawigan ng Pangasinan sa prestihiyosong Mister and Miss Teen World Philippines 2025 na gaganapin ngayong Setyembre 7, 2025 sa Pilar Hidalgo Lim Auditorium, Ermita, Manila, isang bagong tatag na pambansang pageant sa ilalim ng Mr. and Ms. Philippine Youth Organization.
Ang kompetisyong ito ay nakatuon sa pagbibigay kakayahan ng mga teenagers sa buong bansa.
Bago pa man sumabak sa ganitong kompetisyon si Trisha ay suki na siya sa mundo ng pageantry dito sa probinsya tulad na lamang sa mga iba’t-ibang bayan at school pageants.
Sa katunayan siya ngayon ang reigning Ms. Calasiao kung saan kinoronahan siya bilang Miss. Calasiao Puto Festival Queen 2024.
Isa lamang patunayan na ang mga Pangasinense ay magagaling, matatalino, at talentado sa iba’t-ibang larangan ng kompetisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









