
Naaresto ng Regional Anti-Cybercrime Unit ang isang cellphone technician na nagpakalat ng maselang video ng mga menor de edad sa Agusan Del Norte.
Kinilala ang suspek sa alyas na “ Edu” 22 taong gulang habang ang 2 biktima ay mga grade 11 na menor de edad at pawang magkasintahan.
Ayon kay ACG Director BGen. Wilson Asueta, dinala ng nobyo ng biktima ang kanyang cellphone sa nasabing technician para ipaayos.
Ngunit habang inaayos ay pinakialaman umano ng suspek ang laman ng cellphone at inilipat sa kanya mismong cellphone ang maselang video ng dalawa.
Kung saan, kumalat ang nasabing video sa social media at nagdulot ito ng kahihiyan at pangamba sa mga biktima.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11930 o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act ang nasabing suspek.
Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiya ng Jabonga Municipal Police Station.










