ISANG CENTENARIAN NAKATANGGAP NG CASH INCENTIVE MULA SA LGU MANAOAG

Kay sarap sa feeling na may tinatawag tayong lolo o lola sa ating tahanan. Dito sa Pangasinan tinatawag natin silang ‘LAKI’ o ‘BAI’.
Mula sa bayan ng Manaoag isang centenarian ang binigyan ng pagkilala. Siya si Bai Olay, ipinanganak noong 1923, ay mayroong siyam (9) na anak at tatlumpung (30) mga apo.
Dahil Centenarian na si Bai siya ay nakatanggap ng P10,000 cash incentive mula sa LGU-Manaoag. Ito ay cash incentive na ibinibigay upang makatulong pinansyal sa mga edad 100 years old.

Samantala makakatanggap din ito ng additional P100,000 mula sa Department of Social Welfare and Development ayon sa REPUBLIC ACT NO. 10868.
Mula sa ifm Happy Birthday Bai Olay. |ifmnews
Facebook Comments