Isang Chinese crew, tinulungan ng PCG matapos aksidenteng nahiwa ang daliri sa karagatang sakop ng Antique

Isang Chinese crew na aksidenteng nahiwa ang daliri habang nasa karagatang sakop ng Antique ang tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, nagsagawa sila ng medical evacuation sa 35 anyos na second engineer ng Hongkong-flagged bulk carrier na MV BBG Qinzhou.

Aksidente umano itong nahiwa ng metal fan blade kaya kailangan dalhin sa ospital.


Galing sa Nansha, China ang kanilang barko at patungo sana sa Indonesia nang mangyari ang insidente.

Ayon sa PCG, habang nasa barko ay binigyan muna nila ito ng medical assistance habang patungo sa Iloilo City.

Pagdating sa pantalan agad naman itong itinurnover sa kanilang agent na nagdala sa kanya sa ospital.

Facebook Comments