Isang Chinese food plaza sa Las Piñas, ipinasara muna

Ipinatigil ng Department of Trade and Industry o DTI ang operasyon ng isang Chinese food plaza sa Las Piñas City.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez – sinuspinde ang food plaza matapos makitaan ng mga paglabag.

Susuriin rin aniya ng DTI at lokal na pamahalaan ng lungsod kung may sapat na papeles ang iba pang establisyimento sa lugar.


Sabi pa ni Lopez, paiimbestigahan rin nila sa DOLE at sa Bureau of Immigration (BI) kung may work permits ang mga mukhang dayuhan na empleyado sa food park.

Bukod dito, napuna rin ng kagawaran ang ibinebentang exotic dish at maging ang paraan ng waste disposal ng mga tindahan kung saan diretso ang mantika sa kanal na namumuo at mabaho na.

Gayundin ang resibo ng ilang stalls na nakasulatsa Chinese characters at hindi rehistrado sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Magugunitang nag-viral sa social media ang food plaza dahil Chinese national lamang ang pwede umanong kumain doon.

Facebook Comments