Sa loob ng dalawang taon, umabot na sa 3,000 ang mga pekeng iPhone na ipinadala sa Apple ng isang Chinese national sa Oregon, na sinasabi nitong hindi bumubukas o gumagana at dapat papalitan dahil sa warranty.
Nasa 1,500 replacement units naman na ang naibigay ng Apple, na nagkakahalaga ng tinatayang 30,000 bawat isa.
Kinilala ang Chinese na si Quan Jiang, 30, dating engineering student sa Albany, Oregon.
Ayon sa U.S Attorney’s office sa Portland, nag-iimport ng pekeng iPhone si Jiang mula sa Hong Kong para ipadala sa Apple gamit ang iba-ibang pangalan.
Ibebenta naman nito sa China ang nakuhang kapalit o orig na unit.
Hinatulan ng guilty to trafficking in counterfeit goods si Jiang, Miyerkules.
Nahaharap sa sampung taong pagkakakulong at $2 milyong multa ang Chinese.