Nakatanggap ng imbitasyon ang Pilipinas mula China para makilahok sa global clinical trial para sa posibleng bakina laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang alok ay mula sa Sinopharm Group, ang pinakamalaking pharmaceutical company sa China.
Aniya, naka-develop ang Chinese pharma ng isang bakuna at nais nilang subukan ang bisa nito laban sa coronavirus.
Pero nilinaw ni Duque na wala pang kumpirmasyon kung ang alok ay tatanggapin ng pamahalan.
Matatandaang sinabi rin ni Pangulong Rodrigo Duterte mayroong na-develop na COVID-19 vaccine ang ilang Chinese researchers at pinayuhan ang mga Pilipino na manatiling buhay hanggang sa mailabas ito sa 2021.
Facebook Comments