Ipinasara ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang Fu Yuan Ji Restaurant dahil sa kakulangan ng mga papeles mula sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig para mag-negosyo sa lungsod.
Ayon kay Mayor Sotto, dapat sumunod sa batas ang mga may balak magtayo ng negosyo sa Pasig City upang pakinabangan umano ang kanilang makokolektang buwis sa mga residente ng Pasig.
Sa Facebook post naman ng alkalde hiniling ni Sotto sa Bureau of Immigration na ipaalam lang sa kaniya sakaling may Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pasig City para makatulong ang Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa paghuli at maipasara din ang negosyo ng mga tiwaling Chinese Businessman.
Binalaan din ni Sotto ang lahat ng mga empleyado ng City Hall employees na mananagot ang mga ito kapag nahuli, naimbestigahan at napatunayan na kasabwat sila sa pagpapahintulot na mag-operate ang isang negosyo ng walang kaukulang Business Permit.
Matatandaan na Oktubre noong nakaraang taon, ipinasara ni Sotto ang Commissary ng kilalang Restaurant, ang Razon’s of Guagua dahil sa mga paglabag nito sa mga batas pangkalikasan.
Sinuspendi naman ng alkalde ang dalawang matataas na opisyal ng City Environment and Natural Resources Office habang iniimbestigahan ang kanilang pagkakasangkot sa maanomalyang pagbibigay ng Permit sa Razon’s kahit lantaran ang hindi pagsunod ng ilang establisyemento sa mga Ordinansa ng lungsod.