Isang chopper ng Philippine Airforce, bumagsak sa Isabela

Bumagsak ang isang helicopter ng Philippine Airforce sa Cauayan City, Isabela pasado alas-7:00 kagabi.

Sa inisyal na ulat, papa-take off ang Chopper na may tail number 8308 nang bigla itong bumagsak sa ramped area ng Technical Operations Group (TOG) 2 sa Cauayan Air Station.

Sa impormasyon mula sa PAF, nasa lima ang sakay ng chopper.


May narekober na dalawang katawan sa loob ng chopper, dalawa ang nawawala habang ang isa ay isinugod sa ospital.

Iniimbestigahan na ang dahilan ng pagbagsak ng helicopter.

Facebook Comments