Isang climate advocate, pinamamadali ang pagdeklara ng national climate emergency bunsod ng sunud-sunod na pagtama ng malalakas na bagyo sa bansa

Courtesy: Cagayan PIO

Nanawagan ang isang climate advocate sa pamahalaan na magdeklara ng national climate emergency dahil sa epekto ng sunod-sunod na bagyo sa buhay at ari-arian.

Nagmartsa at nagsagawa ng programa ang grupong Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) sa Quezon City.

Kanilang ipinanawagan na tama na ang mga walang laman na mga pangako at mga matatamis pero walang kabuluhang pananalita.


May hiwalay rin na pagkilos ngayong araw sa ibang panig ng mundo, gaya ng Azerbaijan, kung saan ginaganap ang Climate Summit sa Baku.

Ayon kay Estela Patalinghug, PMCJ coordinator, sa 2-week climate negotiation sa Baku, pag-uusapan ang climate action at magtatakda ng bagong global climate financial goal.

Aniya, ang Pilipinas ang isa sa pinaka-vulnerable sa epekto ng climate crisis.

Umaasa si Patalinghug na aktibong makikibahagi ang Pilipinas at maigigiit na mapasama ito sa makikinabang sa climate finance.

Ayon sa grupo, ang iniwang pinsala ng Bagyong Yolanda, Odette at ngayon, ang Bagyong Kristine ay isang matingkad na paalala na nahaharap na ang bansa sa nakakabahala climate crisis.

Dagdag ng grupo, dapat nang magpakita ng paninindigan ang administrasyong Marcos na mai-transition ang bansa patungo sa pag-phase out sa paggamit ng coal at fossil fuels at paggamit ng renewable energy.

Facebook Comments