Ideneklara na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na ligtas na sa toxic red tide ang coastal waters ng Santa Maria sa Davao Occidental.
Base sa pinakahuling laboratory results na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Local Government Units (LGUs), maaari nang maghango, magbenta at kainin ang mga shellfish na nakukuha sa nabanggit na karagatan.
Gayunman sinabi ni BFAR Director Eduardo Gongona na may mga coastal water pa rin sa bansa na nanatili pa ring kontaminado ng red tide.
Tinukoy nito ang mga coastal waters ng San Pedro Bay sa Western Samar, Lianga Bay sa Surigao del Sur, coastal waters ng Dauis sa Tagbilaran City sa Bohol at Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental.
Lahat ng shellfish dito ay nanatiling positibo sa paralytic shellfish poison at mapanganib na kainin ng tao.