Isang college dean na walang-sawang tumutulong sa mga Person’s Deprived of Liberty, kinilala ng Tesda sa tulong ng BCYF foundation

82

Ginawaran ng pagkilala ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang Dean ng College of Technology at Associate Director for Extension Services ng Bataan Peninsula State University.

Ito ay si Dr. Bernadeth Gabor na kinilala bilang Best Trainer sa Bataan, Region 3 sa tulong ng Benita & Catalino o BCYF Foundation.

Sa programang Kwentong Bayani ng RMN Manila, lubos na nagpasalamat si Gabor sa mga taong nagtiwala at sumusuporta sa kaniya.


Tiniyak naman nito na ipagpapatuloy ang kaniyang adhikain na pagtulong sa mga Person’s Deprived of Liberty (PDLs) na makapagsimula ng bagong buhay.

Maliban sa pagiging Best Trainer, unang napasama si Gabor sa National Level Selection of the 2016 Tagsanay Award na ibinigay noong September 22, 2016.

Awardee rin ito ng 2021 Search for Hometown Heroes.



Facebook Comments