Isang College Student, Arestado sa Pagtutulak ng Droga sa Reina Mercedes, Isabela!

116

*Reina Mercedes, Isabela- *Bagsak sa kamay ng mga otoridad ang bente nuebe anyos na studyante matapos matiklo sa ikinasang Buy Bust Operation ng PNP sa brgy. Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang naaresto an si Erick Gatan Cabungal, binata, College Student at residente ng brgy Minanga, San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay SPO1 George Peralta, PIO at Chief Investigator ng PNP Reina Mercedes, Isabela, inaresto si Cabungal matapos nitong bentahan ang isang police poseur buyer ng apat na sachet at dalawang rolyo ng papel na naglalaman ng mga tuyong dahon ng marijuana sa halagang limang daang piso (500.00).

Nasa kustodiya na ng PNP Reina Mercedes ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments