Nasamsam ng awtoridad ang humigit-kumulang 200 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana mula sa isang 21-anyos na estudyante sa isinagawang buy-bust operation sa Calasiao, Pangasinan.
Ayon kay Calasiao Police Chief Lt. Col. Ferdinand Lopez, ikinasa ang operasyon bandang ala-1 ng madaling araw sa Brgy. Quesban, batay sa impormasyong kanilang natanggap.
Nakumpiska mula sa suspek ang 24 sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na may tinatayang halaga na ₱24,000, gayundin ang ilang drug paraphernalia at tatlong vape na naglalaman umano ng marijuana liquid.
Nadakip na ang suspek at nahaharap sa kaukulang kasong kriminal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









