Maaga pa lang ay pinipilahan na itong kakaibang community pantry sa Barangay Addition Hills sa lungsod ng Mandaluyong.
Hindi tulad ng ibang community pantry na pwedeng kumuha ng mga pangangailangan ng walang kapalit. Itong community pantry sa Barangay Additional Hills ay kinakailangang magdala ng mga pwedeng ma-recycle na plastic na basura upang makakuha ng pagkain.
Ayon kay Chairman Carlito Tolibas Cernal ng nasabing barangay sa limang kilong ginupit na plastic sachet at wrapper kapalit nito ay 2 kilong bigas, noddles at gulay.
Pwede rin aniya magdala ng 1.5 liter na plastic bottle na may laman na mga ginupit na plastic.
Inihayag pa ng kapitan na nais niyang matulungan ang kanyang mga ka-barangay pero may kaakibat na responsibilidad sa komunidad.
Dahil nais aniya maturuan ang kanyang mga residente na maging responsable sa kalinisan sa kanilang barangay.
Ang motto aniya ng community pantry ng Barangay Additional Hills ay “Magbigay para sa kalinisan, kumuha ayon sa nakalaan”.
Tumutulong naman ang mga kawani ng nasabing barangay sa pagpapatupad ng safety and health protocols laban sa COVID-19 dahil karamihan sa mga residente ay maaga pa lang ay pumipila na kahit alas-9:00 pa ng umaga nagbubukas ito.