Isang compound sa Barangay Bagbag, Quezon City, inilagay sa Special Concerned Lockdown kaugnay ng COVID-19

Inilagay sa Special Concern Lockdown (SCL) ang isang bahagi ng kalsada ng isang pribadong subdivision sa Quezon City matapos maitala ang 6 (anim) na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, isinailalim sa SCL ang bahagi ng King Christian St. sa Kingspoint Subdivision sa Barangay Bagbag, matapos na makapanghawa ang isang indibidwal ng tatlong kasama nito sa bahay at dalawang kapitbahay.

Kailangan aniya na ipatupad ang SCL sa lugar upang hindi na magkahawaan ng virus.


May kabuuang 59 families o katumbas ng 243 katao ang naninirahan sa lugar.

Ayon naman kay Dr. Rolly Cruz, Head of the Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit mamamahagi sila ngayong araw ng case investigation forms habang sa Miyerkoles hanggang Biyernes ay magsasagawa na sila ng Polymerase Chain Reaction (PCR) test.

Facebook Comments