Isang compound sa Quezon City, idineklarang drug free ng QCPD

Quezon City, Philippines – Sinumulan ng idikit ng mga miyembro ng Quezon Police District ang “drug free stickers” sa isang Muslim compound sa Quezon City.

Idinikit ang mga stickers sa mga tahanan ng *saalam compound* bilang palatandaan na ligtas at walang involvement ang mga ito sa iligal na droga.

Nabatid na ang nasabing compound ay may halos sampung libong populasyon ng mga Muslim na ang ilan ay nasasangkot sa ilang iligal na gawain at karahasan.


Ayon naman kay QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Elea­zar, nagsimula na silang makipag-dayalogo kasama ang ilang mga Muslim leaders sa naturang lugar para makipagtulungan sa anumang banta ng kaguluhan kasunod n na rin ng ilang pag-atake ng mga terorista sa bansa.
DZXL558

Facebook Comments