Binabantayan ngayong mabuti ang isang construction site sa Taguig City na nagsilbing ‘breeding ground’ ng COVID-19.
Batay sa impormasyon mula sa Barangay Fort Bonifacio, 100 kaso ang naidagdag nila nitong July 6, 2020 kung kaya’t umakyat na sa 204 ang COVID-19 case sa hindi pinangalanang construction site.
Inaasahang madadagdagan pa ang kumpirmadong kaso ng virus sa construction site mula sa 860 construction workers na sumailalim na sa test.
Mula June 23 hanggang July 7, 2020 ay isinailalim naman ng lokal na pamahalaan sa localized lockdown ang construction site.
Agad din namang inalis sa lugar ang mga nagpositibo sa sakit at inilagay muna sa national quarantine facility.
Facebook Comments