Isang construction worker na tumangay sa cellphone ng katrabaho nito, arestado sa Marikina City

24

Kalaboso ang isang construction worker matapos na dukutan at tangayin ang cellphone ng isang construction worker sa Marcos Highway, Brgy. San Roque, Marikina City.

Kinilala ang suspek na si Bobby Orgasa, 35-anyos, construction worker, makaraang tangayin nito ang cellphone ng biktimang si Rudy Fellone, 44-anyos, construction worker.


Batay sa imbestigasyon ng Marikina Philippine National Police (PNP), pasakay na sana ang biktima sa pampasaherong jeep sa Marcos Highway, Barangay San Roque, Marikina City nang ipagbigay-alam sa kanya ng isang concerned citizen na dinukot at kinuha ang kanyang cellphone na nakalagay sa pouch.

Agad na humingi siya ng tulong sa mga pulis na naka-standby kung saan agad na rumesponde ang mga ito.

Nabawi ang cellphone ng biktima mula sa suspek.

Facebook Comments